HUMANAP KA NG GAGET

My Categories

My Links:

your name:

url:

your message:

Entries for March, 2008

March 11th, 2008

6 towns, 16 cemeteries, 2 deaths, 1 haggard sunday

Posted by gagetganda at 03:54 PM on March 11, 2008.

 

© picture taken using my N6300, outside Paoay Church. March 2008


ok.

so just recently, me and my team mates at work went to the Ilocos region for our much awaited (and super sinekretong ) team building. 2 of our team mates weren't able to join us because of health and family issues.

heniway...

it was my first time to go the ilocos region and i must say...BONGGA ha!

so ayun.. while in the car, me and my team mate garry would joke around everytime we pass by a cemetery. kasi takot sya sa mga multo. being the O.C that i am...everytime may nadadaanan kaming sementeryo, binibilang ko tuloy! kahit tulog na si garry.

it went on during the whole trip. kahit tulog na ko, i found it weird na nagigising ako to find out may sementeryo na naman kaming dadaanan. (just like everytime mack and i go out, we always see the LEONEL garbage truck. as in 88% of all our dates andun sila, namamasura ahaha).

Friday, i think we were in the motel already, when Daddy Abet texted me that our friend Joel's dad passed away.

Saturday, my girlfriend Berna texted me the same thing...that her dad died already after being in a coma.

There i was, living the life in Ilocos, while 2 of my good friends were mourning with the losS of  their fathers.

Maybe the cemeteries didn't have anything to do with the news that i received. It's just so weird. Yun lang.

i also want to apologize to them for not being able to go to the wake. Work sucks.
After our trip, we went straight to our stations and slaved away. Sunday na Sunday, magtatrabaho, imbis mag upload agad ng pics of my trip sa bahay, or bumisita kina Berna at Joel.

Howell. Again, I'm truly sorry for their losses.  My prayers goes out to them and their Family.

 

 

© picture taken using my supe's N6300,
outside Paoay Church. March 2008

 

6 ang fans ni tina paner

March 15th, 2008

ken lee

Posted by gagetganda at 11:06 AM on March 15, 2008.

bulgarian idol rocks!

you gotta have youtube to view this

ken lee <-- click for laff trip

ken lee....tulibu diboo douchoooooo, ken lee meja more......

2 ang fans ni tina paner

Ang Laban Ni Pacquiao......sa EMBASSY

Posted by gagetganda at 05:14 PM on March 15, 2008.

lagot ka kay jenke!

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

4 ang fans ni tina paner

sticks and stones blah blah shit

Posted by gagetganda at 05:35 PM on March 15, 2008.

 

 sticks and stones may break my bones but words will never hurt me...
-old saying, old lie

toughest lesson i learned was that life doesn't come with erasers.i couldn't make something that had happened, not happen. even imagination is powerless. we tell ourselves it takes more time to send someone over the edge...maybe so, maybe not..but there are no erasers.

 

 

laos si jovit moya

March 16th, 2008

NOKIA Independent Artists Club's 3rd Leg @ CLUBDREDD/GWEILOS EASTWOOD

Posted by gagetganda at 01:31 PM on March 16, 2008.

a night of free food and beers, ramon bautista marathon, and urbandub

 

2 ang fans ni tina paner

March 18th, 2008

the mystery that is mrs brassiere*

Posted by gagetganda at 05:59 PM on March 18, 2008.

 

 

DISCLAIMER  : *i changed her last name baka kasi ipasuplong ako.(information dissemination keme)  

halos lahat na ata ng tier 1 eh nakarinig na sa boses ni Mrs. Brassiere. my first encounter with her was when Agnes (Belen) got a call from her and had to approach a supervisor on how to handle Mrs. Nonstop Talker. So while naghanap sya ng supe, sakin nya pinahawak yung headfones nya. Syang tunay, ayaw nga tumigil sa kakasabat si Ate.  Tinanong ng isang vet rep kung anong account ba daw yun. Nung nalaman nya...nasabi na lang nya...

"Ah! si Mrs. Brassiere. Ganyan talaga yan. Halos araw araw tumatawag yan" 

Naloka naman ako. Kasi ang AHT ni Mrs Brassiere eh 30minutes  Nasabi ko sa sarili ko...pano kaya kung ako nakatanggap ng call nya. Lagot ako. Since January yun, and mejo noobie pa ang lola mo, nagworry talaga ako. haha. When i started with this account, 16minutes ang AHT ko.(malay ko ba naman sa AHT. Galing ako sa Outbound) So dapat hindi ko sya makausap para maisabla ko ang aking stats.

Speaking of STATS...ang stats ni Mrs Brassiere for this year, as of March 18 (binilang ko talaga, saksi si BLUE) , eh naka 117 calls na sya. So all in all.... she already made 297 calls since June 2007. Bongga. Ang daming load ni Ate.

So ayun nga...dahil bibo sya at bibo din ako...isang araw (March 14), sa kasawiang palad eh nakareceive na din ako ng tawag mula sa kanya. TWICE IN ONE DAY, AHT: 20minutes. Akala ko magtatagumpay ako sa pagpacify sa kanya...pero hindi. Mahina ako. Hinayaan ko lang sya sumatsat sa kabilang linya habang nakikipaglandian ako kay Lando.

With all the calls that she had with us, what stuck with me was this certain subject....the goverment. Sya ata ang Jun Lozada ng US. Handang isuplong at bukuhin ang mga nasa palasyo. And sa kagustuhan nyang mapabagsak ang gobyerno nila, isa lang ang naisip nyang gawin....ang TUMAWAG SATIN ARAW ARAW. Somehow i pity her. She must be really upset with the goverment for her to bust a nerve on the fone almost everyday. The last time i talked to her, HUSKY na ang boses ni ate. Parang nanood ng Wowowee Live. Paos sya.

Sa mga earlier records ng account nilang mag asawa, meron akong nabasa na ikinaloka ko. yung asawa ni Mrs Brassiere yung tumawag. And the person who got the call documented it na parang nagbablog lang sya. ahaha. Can i post it here? To be sure...wag na lang...pero yung sinulat nya dun..parang ganito...

OMG!!! Keme called today (Mrs Brassiere's Hubby), i am so lucky...etc etc

ahahaha. adik si ate. natuwa sya kasi 4minutes lang inabot yung call

heniway....

Ano kaya ginagawa ni Mrs Brassiere pag hindi sya tumatawag satin? Tumatawag sa ibang kumpanya? Ano kaya tingin nung asawa nya dun? May sexlife pa ba sila? Does she even have a day job? So many questions...so little time ahahahaha.

Ikaw? kamusta yung experience mo with her? Did you do anything productive habang naka-mute ka? ahahaha

10 ang fans ni tina paner

March 22nd, 2008

NAKAKASTRESS ACCOUNT NYO AH!!!!

Posted by gagetganda at 06:31 PM on March 22, 2008.

 "..she who sleeps at work, gets transferred to an inbound account" - Pablo Neruda

 

  

last October, our poging Program Director announced na madi-dissolve na daw yung account namin. ililipat sa mas magaling mag english...sa INDIA.  

ok fine. hindi daw dahil sa stats namin (duh, all the agents were hitting the targets. sumusobra pa). it was just management's decision daw.

(translation : cost cutting)

 naalala ko yun, sa outbound team unang inannounce (kami yun)...we were inside one of the training rooms sa may JG summit. at naalala ko din, na ako yung umiyak that time. ahahah. panalo naman kasi yung trabaho ko no. outbound. hawak ko ang oras ko. and since i was assigned to a "special" team ,

(we handle dsl relocations), we were given our OWN stations. naks. kunyari supervisor.

          

 

so ganun. kung bibo ka, first 2 hours palang ng shift eh tapos ka na. 35+ tickets yun ha.
ganun ako. kumakain ng tickets. kaya ang productivity ko, umaabot ng 130%. cmown! ang QA, umaabot hanggang 115% (ako hanggang 105% lang lagi.) so pag tapos na ko after 2-3 hours, may 6 hours pako para makipagchikahan, tumambay sa 7th floor kahit hindi ako nagyoyosi,  mag-update ng team white board, maningil ng SA violators at pataasin scores ko sa trivia.

at syempre...panalo din naman ang pay. since graveyard ako (haggard pay, night diff etc) and laging may performance bonus (yun oh. nagbubuhat ng sariling sofa), marami akong pera pambili ng lalake...este BOOKS AND EARRINGS! mas panalo din yung friendship na nabuild. i know makukuha ko din ulit yun sa bagong account ko(enesay), yung friendship keme...pero that time...ayoko. haha  miss na miss ko na yung early inuman sa GERRY's Grill (oorder ng beertower) sniff.

ang hirap ng adjustments. since first call center experience ko to (i took up architecture)...hindi ako sanay mag take ng inbound calls. 8month ako sa outbound...so imagine my frustration when the dissolve keme was announced.

dahil sa bago kong account, mas nastress ako, nabawasan ganda ko, madaming adjustments na kelangang gawin, madaming kalituhan ang naganap...since lahat ng kabatchmates ko sa training eh nagsi-lipana na .  stress at fear na mawasak ang stats ang reason why i chose this sked (10am-7pm). since hindi mashadong queueing, mas matututukan ko each calls and mas madaming avail time to work on things that i need to improve pa. nagwork naman kahit pano. from 16minutes (december stats) to 8:31 (as of last week) ang AHT ko.  (winks at supe jinggay)

unti unti akong natututo, unti unting nag oopen up sa mga taong enesay, unti unting nakakabenta ng $100+, unti unting bumabalik yung pagkabalahura ko, unti unting natututo mag TABULAS...

 


pero hindi pa din nabawasan yung stress.


makapag- STRESS TABS nga.

 

 

7 ang fans ni tina paner

March 27th, 2008

AN OPEN LETTER TO BORGY MANOTOC

Posted by gagetganda at 12:00 PM on March 27, 2008.

DISCLAIMER:

ang sumusunod na entry ay galing sa kaloob looban at kaibuturan ng aking baliw na puso...yebah. jologs to. wala lang ako masulat. love me anyway...

dear borgy beybe..

naglalaway pa din ako sayo, hinayupak ka...may nagigising na kung anong ka-ek ekan sa aking kaloob-looban...dun din lumalakas ang kutob ko na...dyuskopo..babae nga talaga ako.. yowch naalala mo ba nung una tyong magkita? ahihihi....asa podium ako nun,mag isang humihigop ng mocha frappe sa may window overlooking the driveway..tapos biglang huminto ang isang limo...limo nga ba un? bsta hot car...nway..lumabas ka bgla...taena! diyos ka ba??? sum kinda greek god? aylabyu borgy. nakasuot ka nun ng black suit..na unti unti kong hinuhubad sa aking utak habang napapabilis ang sipsip ko sa mocha frap . ARGGGGG!!!! brain freeze pumutok bigla ang thought balloon ko nang lumabas din ng car si sarah meiers , na ex gf mo na ngayon... para akong pinagtaksilan.niloko.pinaasa...tpos bgla akong binatukan ng kunsensya ko... timang! diyos sya...isa ka lamang mangmang.. hahaha huminto ang paligid...sa yo lang nakatuon ang atensyon ko..dko man lang napansin na dumating na ung hinihintay kong kaibigan...toinks! back to reality..

mahal kita borgy...hindi man ako kasing ganda nila sarah at ni ornussa cadness, pero may dimples ako...kaya kitang patawanin. kung gsto mo english jokes pa ideliver ko..maitindihan mo lang..isasakripisyo ko ang lahat para sayo. isusuko ko ang pagkababae ko. hinding hindi kita gagamitin..ang pera mo..lalo na ang pangalan mo...anakan mo lang ako beybe...kahit bingot..kahit kuba, kahit bungal...kahit walang mukha! basta magkaanak lang tyo..at magsama ng matiwasay sa boracay habang dini-dreadlocks ang isat isa...


ayaw ko mang mangyari pero nangyari na nga..nagseselos na si dennis trillo dahil mas mahal kita. ano ba magagawa ko? eh mas ma appeal ka kesa sa kanya..but i love him just the same (ZAIDO PINK!!!!) .. kung wala tlgang pag asa ang pag iibigan natin..papakasal ako kay dennis.
naiintindihan mo ba? nagpapaka jologs ako para sayo...hindi pa ba enuf to para ireciprocate mo ung love na ibinibigay ko sayo?
demmit

love,
gaget


p.s
pwede mo bang ibaba pa ng konti ung zipper mo dun sa billboard mo?  konti lang...pls? madalas kasi magtraffic dun...nabobore ako.kaya sige na, show me some skin

10 ang fans ni tina paner

March 30th, 2008

TIPID DATE 101 - BAYWALK EDITION

Posted by gagetganda at 04:06 PM on March 30, 2008.

we're (mack and gaget)  currently saving up for something big in the future... so ngayon pa lang, sobrang tinatry namin mag tipid everytime we go out.

so last January 16,2008, sa baywalk kami nagpunta, perfect timing din kasi wala na yung gimikan dun. tahimik, malinis, presko ang hangin. naks. parang john lloyd at bea lang ah.

nagbaon ako ng GSM blue na nakuha ko sa bahay, nilagay sya sa pink water bottle, then we went to mcdo to buy the 10pc chicken nugget sharing meal para sa pulutan, and mineral water.

GSM blue -free
mcdo meal - - P169.00
mineral water - P14
cab- - P50
chowking early bfast - P160
----------------------------------------------
P393.00 *kaching*

it was so much fun! naging resourceful kami. we needed background music, so we used our N6300s and took turns playing songs. we needed a shot glass for the gin, ginamit namin yung lalagyan ng honeymustard sauce from mcdo. haha.

we're gonna make a list of other tipid trips na pwede naming subukan para maka-save. will be posting them here. promise!

any suggestions?

 

click to see the complete album

http://gagetganda.multiply.com/photos/album/41/tipid_date_101_-BAYWALK_edition

4 ang fans ni tina paner

March 31st, 2008

HAVAIANAS vs SPARTAN..ang pagtutuos..

Posted by gagetganda at 02:47 PM on March 31, 2008.

 

Pangalan: Havaianas


Lugar na pinanggalingan: São Paulo, Brazil

 


Pagbigkas:

ah-vai-YAH-nas (Brazilian Portuguese)

hah-vee-ah-naz  (American English)

OMG!-hAH-va- yaH-naZz!! (Filipino)

 

Materyal na ginamit: Malupit na goma (High-quality rubber).


Presyo: Hindi ko alam. Ganito na lang,

1 pares ng Havaianas = 100 pares ng Spartan.

 


Mga nagsusuot: Mga konyotik at mga mayaman.

 (pinapang pasok ko din sa ofis to. havaianas kartunista edition)

Malulupit na katangian at kakayahan:
- Masarap isuot.
- "Shock-absorbent "
- Malambot ngunit matibay.
- Makukuha sa sandamakmak na kulay, disenyo at burloloy.
- Maaaring isuot sa loob ng Starbucks.
- Mainam na pang-japorms.
- Mainam i-terno sa I-Pod at Caramel Macchiato.
- Mapipilitan kang maglinis ng mga kuko mo sa paa.
- Maaari ka nang mag-dikwatro sa loob ng mga pampublikong lugar at sasakyan.

- Magiging "fashionable" ka kapag ikaw ay nagkukuyakoy.

 

Olats na mga katangian:

Mahal!

Mahal!

Mahal!

 


Pangalan: Spartan


Lugar na Pinanggalingan: Metro Manila, Philippines

 


Pagbigkas:

spar-tan (American English),

is-par-tan (Filipino).

 


Materyal na ginamit: Pipitsuging goma (Low-quality rubber).

 


Presyo: Wala pang 50 pesos.

Isang pares ng Spartan = 20 piraso ng pan de coco.

 


Mga nagsusuot: Si manong at si manang :D

 


Malulupit na katangian at kakayahan:
- Maaring ipampatay sa ipis.
- Maaring ipampalo sa mga batang suwail at damuho.
- Pwedeng ipanglusong sa baha at putikan.
- Pwedeng ipamalengke.
- Mainam gamitin sa tumbang-preso.
- Mainam gawing "shield" kapag naglalaro ng espa-espadahan.
- Mainam isuot sa siko bilang proteksyon habang naglalaro ng piko.
- Mainam na pambato sa picha o shuttlecock na sumabit sa puno.
- Mainam na pangkulob sa pumuputok na watusi.
- Kapag ginupit-gupit nang pahugis "cube," e maaari mo nang
  gawing pamato sa larong Bingo na kadalasang makikita sa mga lamay ng patay).

Olats na mga katangian:
* Madaling magkawalaan kapag hinubad dahil halos pare-pareho lang
   ang hisura.
* Masakit isuot kapag may mga balahibo ang mga daliri mo sa paa.
* Minsan kapag ipinambato mo ito sa picha o shuttlecock na
   nakasabit sa puno, e nadadamay pati yung tsinelas.

 

 

 

 

 

11 ang fans ni tina paner

SPOT THE DIFFERENCE

Posted by gagetganda at 04:54 PM on March 31, 2008.

 

 

 

 

 

 

DISCLAIMER : THIS POST WAS AUTHORIZED BY CHRIS, DUANE, RODERICK, AIZA, GAGET and BLUE. ANY REPRODUCTION OF THEIR PICTURES IS PUNISHABLE BY LAW, PROMISE

copyright.2008

 

GAME! SPOT THE DIFFERENCE NA!

18 ang fans ni tina paner