HUMANAP KA NG GAGET

My Categories

My Links:

your name:

url:

your message:

April 14th, 2008

alas-stress na!

Posted by gagetganda at 02:38 PM on April 14, 2008.

ako na siguro ang perfect example ng isang taong STRESSED.

stress  (strs)

n.
a. A mentally or emotionally disruptive or upsetting condition occurring in response to adverse external influences and capable of affecting physical health, usually characterized by increased heart rate, a rise in blood pressure, muscular tension, irritability, and depression.
b. A stimulus or circumstance causing such a condition.
7. A state of extreme difficulty, pressure, or strain:
e.g "Gaget ate her avaya and her headset because of too much stress"
top 10 proofs na alas- stress na talaga :
  • hindi na excited pumasok. nagigising on time pero parang bumibigat ang paa pagkalabas ng elevator.
  • naghahanap na ng mag aakay sakin papunta nang CR.
  • maraming tendencies na parang gusto mong lumipad papuntang US para lang patayin yung kausap mong Amerikano tapos sasabihan mong "is there anything else i can help you with, marse?"
  • nadedemonyong ju-moin sa resignation bandwagon. uso daw ngayon yun eh. hindi ko alam yun dati...wala akong kabalak balak umalis, pero parang sinusundo ako ng ibang kumpanya palabas dito sa work ko ngayon.
  • pinatulan ko na ang MELATONINE, para makatulog ng matiwasay. bago pa lang lumabas ng building, nakainom na ko para pagdating ng bahay, wala na akong malay. (disclaimer : galing ng epekto pramis.)
  • inaaway ko ang boyfriend ko ng walang dahilan, dahil trip ko lang, dahil mainit ulo ko. ilang beses na din muntik magbreak, pero awa ng diyos naiintindihan nya ko and nakakahuthot pa din ako sa kanya pag wala na akong pera. ahaha (ganda lang ang katapat)
  • dahil magulo din sa bahay ngayon, naiisip ko bawat minuto na patayin sya. sino sya. basta. konti na lang. konti na lang promise. ngayon pa. arrrggg!!!!
  • nagba-black out ako. as in literal na nawawalan ng ulirat and magigising na confused and hindi maalala anong nangyari. idagdag mo pa ang literal na nosebleed. magaling ako mag english pero nagnonosebleed talaga ako. shet. cancer?
  • depressed na ako. hindi pa naman rock-bottom-depressed, nase-save pa naman ako sa tulong ng pag aarugani BF. pero i swear! unti unti na akong tumatanda, natutulala, kung ano ano sinasabi, lito, clueless.
  • nakakatulog ako habang kumakain ng siopao!  pramis!
  • nakakalimutang mag mute. (sabi ni blue, "naiihi ako." sabi ko, habang may customer sa kabilang linya "diyan sa tabi oh!!!" )

stressed talaga. sabi ko top ten, pero bilangin nyo.... 11 yan. kung hindi mo napansin...stressed ka din siguro.

siguro mas malala pa yung naeexperience ng ibang tao kesa sakin...for sure there's someone out there na isang kembot na lang eh magbibigti na. pero  kasi, ngayon lang ako nastress ng ganito sa tanang buhay ko. to think na stressful ang Arkitektyur. tumanggap na nga ulit ako ng Architectural jobs ngayon para lang madivert attention ko away from work. change of environment ika nga..or maybe...namimiss ko na din gumawa ng bahay para sa mga tao. ewan ko. wala akong karapatan PANG mag- resign. kasi if i do, titigil ang pasok ng pera...hindi ko kaya yun. ngayon pa.

siguro this is just a phase. siguro like any other problems...this to0 shall pass. siguro kelangan ko lang magpakatatag pa. siguro konting dasal pa, siguro kulang sa bembang...(ano daw? ahahahaha)

siguro gutom na ako. makapag-mais nga.

xoxo

6 ang fans ni tina paner

Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please click here to login.

Post comment as a guest

Your name:

Your email: (will not be posted publicly)

Your website:



Comment posted on August 16th, 2008 at 07:46 PM
dumaan. galing sa blog ni kidbaliw. stress ba? hirap gamutin yan. nagpapagaling pa rin ako from stress until now e. hehe. good luck sa 'tin lahat! :-)
Comment posted on May 2nd, 2008 at 03:31 PM
hahahah... goodluck!
Comment posted on April 19th, 2008 at 11:49 AM
blue - dami ka namang bf ah? hehehe
cindy - tse! dko kelangan ng hum2. i nid pera. haha

baliw - korek. hay.
Comment posted on April 15th, 2008 at 06:45 PM
sino ba? stress.. stress.. stress..

paksyet sila!
Comment posted on April 14th, 2008 at 08:04 PM
hay gaget... buti ka nga may bf eh... tsk tsk tsk... imagine mu na lang ang stress ko???
Comment posted on April 14th, 2008 at 07:32 PM
oo nga kulang lang sa hump2 yan! wahahaha! ok lang yan mars..kaya mo yan.. :)